Engineer ng DPWH itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines– Napatay ang engineer ng lokal na sangay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng national highway sa Barangay Sagayaden, bayan ng Cabugao, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ni Ilocos Sur PNP spokesman P/Supt. Marlon Castillo ang biktima na si Engr. Arnold Campos ng DPWH sa Vigan City at nakatira sa Barangay Tubigay, bayan ng Sinait, Ilocos Sur. Nabatid na patungong Vigan City ang biktimang nagmotorsiklo nang tabihan at ratratin ng gunmen na lulan din ng motorsiklo. Hindi pa nakontento ay bumaba at nilapitan ng isa sa gunmen ang duguan at nakabulagtang biktima kung saan binaril pa sa ulo upang siguraduhing patay na.

Show comments