Bus vs van: 14 sugatan

QUEZON, Philippines – Umaabot sa 14-katao kabilang ang apat na bata ang nasugatan makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang  sinusundang van sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Sitio Upper Sapinit, New Diversion Road sa Barangay Silangang Malicboy, bayan ng Pagbilao, Quezon kamakalawa ng umaga.

Naisugod naman sa Jane County Hospital ang mga sugatang sina Trixie Broto, 4; Joyce Rellogo, 3; Gerard Lerio, 5; Tristan Jay Marasigan,3;  Florilyn Gonzales, 46;  Rosario Griego, 25; Alejandro Abacan, 23; Melinda Ortega, 21; Romeo Gozales, 53; Erlinda Galaroja, 55; Lorinda Lirio, 52;  Zatmer Ponotes, 19; at si Arlene Abacan, 21 at isa pang hindi kilalang biktima na pawang residente ng San Narciso, Quezon.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, tinatahak ng Pand O Bus Liner ni Elpidio Villa­nueva ng Buenavista, Quezon ang kahabaan ng highway nang mawalan ito ng kontrol sa kurbadang bahagi ng kalye kaya binangga ang likurang bahagi ng closed van (RJB-284) na minamaneho ni Dennis Mactal ng Muntinlupa City.

 

Show comments