Tsinoy trader itinumba

CAVITE , Philippines   â€“  Pinabulagta ang negosyanteng Tsinoy matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Salitran 2, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Napuruhan sa ulo si Michael Dy Tiu, may-ari ng hardware sa nasabing lungsod at nakatira sa nasabing barangay.

Ayon kay P03 Aaron Abesamis, pasakay na ang biktima sa kanyang van (XMG953) nang lapitan at ratratin ng gunmen.

Hindi naman nakapalag ang drayber ng trader na si Roger Villapana sa takot na madamay habang narekober naman ang ilang basyo ng bala ng baril.

Pinaniniwalaang isa sa trabaho na sinibak ng biktima ang gumawa ng krimen habang sinisilip din ang anggulong awayan sa negosyo ang isa sa motibo habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments