Kolektor ng STL nilikida

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines -.Napatay ang isang kolektor ng Small Town Lottery (STL) matapos itong pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan kahapon ng umaga sa Barangay Endpoint Roxas, bayan ng Bulan, Sorsogon. Base sa police report, natutulog ang biktimang si Mario Gupit sa kuwarto ng kanilang bahay nang pasukin at ratratin bandang alas-6:30 ng gabi. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng caL. 45 pistol habang patuloy ang imbestigasyon.

 

Show comments