8 dakma sa buy-bust

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng walong lalaki matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na drug bust operataion sa magkakahiwalay na bayan sa lalawigan ng Bulacan kahapon. Base sa ulat na nakarating kay P/Supt. Rafmil Corpuz, ang mga suspek na sina Mark Anthony Equibal, Eric Del Ayre, at si Nelson Guevarra ay naaresto sa Brgy. Perez, Meycauayan City. Samantala, naaresto naman ang mga suspek na sina Joseph Ronquillo at Cyrus Pilapil sa bahagi ng Grand Royale Subdivision sa Brgy. Bulihan, Malolos City. Si Aries Tadeo na nakumpiskahan ng 5 sachet na shabu ay nadakma sa Brgy. San Agustin, Hagonoy habang ang mag-utol na sina Albert Castro at Nestor Castro na kapwa nakatira sa Brgy. Manatal, Pandi ay nasakote naman sa Immaculate Concepcion Memorial Cemetery sa Brgy. Poblacion.

Show comments