Most wanted dedo sa shootout

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Bumulagta ang top most wanted person sa Santiago City na sinasabing pa­ngunahing suspek na pagpatay sa ex-chairman matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Caquilingan, bayan ng Cordon, Isabela kamakalawa. Ayon kay P/Senior  Supt. Sotero Ramos Jr. umiwas sa inilatag na checkpoint  ang nakamotorsiklong si Mark Gregory Santiago kaya ito hinabol ng mga pulis kung saan nakipagbarilan at napatay. Wala naman nasugatan sa pulisya matapos sumabog ang inihagis na granada ni Santiago habang nakikipaghabulan. Sa tala ng pulisya, si Santiago ay may mga patung-patong na kasong kriminal at pangunahing suspek sa dating chairman na si Rafael Martinez ng Barangay Centro East nitong nakalipas na linggo.

Show comments