Lady cop minolestiya ng 3 obrero

BULACAN, Philippines – Hindi na iginalang ang pagiging alagad ng batas ng 23-anyos na babae matapos itong molestiyahin ng tatlong manyakis na obrero sa madilim na bahagi ng Barangay Balungao sa bayan ng Calumpit, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kaagad namang nasakote ang suspek na sina Elmo Medanilla, 23; Marvin Doroquez, 23; at si Norbie Bulagner, 19, pawang mga nakatira sa Barangay Balungao sa nasabig bayan. 

Sa ulat na nakarating kay P/Supt.Ernesto Cruz, lumilitaw na papauwi na ang biktimang may ranggong PO1 mula sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Calumpit nang harangin ng tatlong suspek pagsapit sa madilim na bahagi ng nasabing lugar. 

Dito na nagpakilala ang biktima na isang pulis su­balit pinagtulungan pa ring molestiyahin habang nakikipagbuno ang biktima.

Nagkataon namang  na­mataan ni PO1 Alhadznie Bahang ang naganap na pangmomolestiya sa biktima kaya sinaklolohan nito hanggang sa madakip ang mga suspek.

Show comments