OFW pisak sa bus

BULACAN, Philippines – Maaga ng sinalubong ni kamatayan  ang 38-anyos na overseas Filipino worker makaraang  salpukin ng pampasaherong bus ang bisikleta nito sa kahabaan ng highway sa Barangay Dulong Bayan sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng umaga. Kinilala ni PO2 Rene Anglo ang biktima na si Gener Maliwat ng Brgy. Catmon sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan habang kinasuhan naman ang driver ng Santrans Bus (TXJ606) na si Gregorio Jumuad, 48, ng Pabahay 2000, Brgy. Muzon. Ayon sa police report, nakikipagkarera sa isa pang pampasaherong bus ang Santrans Bus na minamaneho ni Jumuad nang salpukin ang likuran ng bisikleta ng biktima.

 

Show comments