^

Probinsiya

‘Drug pusher’ itinumba

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang isa sa motibo kaya napatay ang 28-anyos na sinasabing drug pusher matapos itong pagbabarilin sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan sa Purok Otso, Barangay Recodo sa Zamboanga City kamakalawa ng madaling-araw. Sa phone interview, kinilala ni P/Chief Insp. Edilberto Alvarez, hepe ng Zamboanga City PNP ang biktima na si Sheenalyn Gregana ng Zone 4, Barangay Zambowood. Si Gregana ay nagtamo ng tama ng bala  sa mukha na naglagos sa ulo nito. Nabatid na nakasilong sa waiting shed ang biktima matapos ang pagbuhos ng ulan nang lapitan at pagbabarilin ng di-kilalang gunman. Sinabi ng opisyal na may natanggap silang impormasyon na nagtutulak ng droga ang biktima habang  narekober naman sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 38 revolver.

 

BARANGAY RECODO

BARANGAY ZAMBOWOOD

CHIEF INSP

EDILBERTO ALVAREZ

NABATID

PINANINIWALAANG

PUROK OTSO

SHEENALYN GREGANA

SI GREGANA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with