Mag-asawa kinatay ng senglot

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa habang malubha naman ang dalawa nitong anak makaraang pagtatagain ng kapitbahay na senglot kamakalawa ng gabi sa Barangay Panoypoyan, bayan ng Bula, Camarines Sur. Kinilala ng pulisya ang mag-asawa na sina Isidro Dimiano, 66; at Emilina Dimiano, 62, habang ginagamot naman sa Bicol Medical Center sina Ederlinda Dimiano, 34; at Emirlina Dimiano. Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Rolando Flor, 30. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Ramiro Bausa, nanonood ng telebisyon ang mga biktima sa kanilang bahay nang pasukin at pagtatagain ng suspek. Pinaniniwalaang alitan sa pamilya ng suspek at pamilya ng biktima ang motibo sa krimen.

Show comments