Brgy. chairman, 1 pa nilikida

CAMARINES NORTE , Philippines - Pinaglalamayan na rin ang 43-anyos na barangay chairman at ang kasama nitong estudyante na nakipaglibing sa kanilang kaibigan makaraang  pagbabarilin ng  riding-in-tandem assassins sa bahagi ng Barangay Taguican, bayan ng Cataingan, Masbate kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Chairman Ireneo Lobitaña ng Barangay Divisoria; at Marlon Detios Etcobanes, 20, ng Brgy Domorog. Nabatid na nakipaglibing lamang ang dalawa  sa kaibigang muncipal treasurer sa kanilang bayan nang makasalubong si kamatayan.

 

Show comments