Trak vs bike: 3 dalagita patay

MANILA, Philippines - Tatlong dalagita ang sinalubong ni kamatayan habang isa naman ang malubhang nasugatan makaraang suwagin ng trak ang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa bayan ng San Luis, Aurora kamakalawa ng tanghali. Kinilala ang mga namatay na sina Novelyn Budoy, 17; Kathlyn Sagala, 17; at si Kimberly Abriam, 15, habang isinugod naman sa ospital si Norie Anne Budoy, 15. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, magkakaangkas sa motorsiklo ang mga biktima patungo sa kapitolyo ng Baler, Aurora ng mangyari ang sakuna. Nabigong iwasan ng driver ng truck na si Dionisio Rebolido ang motorsiklo ng tatlo kaya naganap ang trahedya.

 

Show comments