MANILA, Philippines - Apat-katao ang kumpirmadong namatay habang 61 iba pa ang isinugod sa pagamutan makaraang malason sa kinaing pawikan sa Barangay Rawis, Poblacion, bayan ng Arteche, Eastern Samar, ayon sa ulat kahapon.
Sa ulat ni Arteche Mayor Rolando Evardone na tumatayong pinuno ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, ang mga biktimang isinugod sa Eastern Samar Provincial Hospital ay isinakay sa pampasaherong bus kung saan noong Martes lamang ini-report ang insidente.
Kabilang sa mga namatay ay sina Marlon Mosende Nuguit, 23; Ramon Despe Nuguit, 55; Marcosa Flores Picardal, 80; at si Lilia PicarÂdal, 56h habang nasa kritikal naman sina Eugenia Galit Nuguit at Arjay Despe Galit.
Nabatid na patay na ng makuha ng mga mangingisda habang lumulutang sa dagat ang pawikan noong Biyernes ng gabi kung saan kinatay ito at inilagay muna sa freezer.
Gayon pa man, ipinamahagi ng mga mangingisda ang pawikan noong Linggo at Lunes ng gabi kung saan niluto naman ng mga kapitbahay para sa hapunan.
Kasunod nito, nakaranas ng matinding pagkahilo, pananakit ng ulo at tiyan saka pagsusuka ang mga biktima kaya isinugod sa pagamutan sa Tacloban City
Nabatid pa sa opisyal na 119 ang kumain ng pawikan pero 65 lamang ang naisugod sa nasabing pagamutan.