CAMARINES NORÂTE , Philippines - Sinibak sa puwesto ang hepe ng pulisya sa bayan ng Daet kaugnay sa paglaganap ng iba’t ibang krimen sa sinasabing kalimitan ay sangkot ang riding-in-tandem gunmen. Biyernes nang palitan sa puwesto si P/Supt. Geoffrey Fernandez ni P/Chief Insp. Victor Abarca. Nabatid na naging kontrobersyal ang unang araw ng pagkakaupo sa puwesto ni Fernandez noong May 28, 2013 dahil sa kawalang koordinasyon ni P/Senior Supt. Moises Pagaduan kay Daet Mayor Tito Sarion. Pansamantalang tinanggap ni Mayor Sarion ang pansamantalang hepe ng pulisya pero nilinaw ng opisyal mas gustong maupo ay isang P/Superintendent. Samantala, hiniling naman ng mga motorista sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na ipagbawal ang full face helmet sa centro ng Daet para makilala kaagad ang gunmen na lulan ng motorsiklo.