Misis nagluwal ng bisiro

DAVAO DEL SUR , Philippines  - Pinagtatakhan ngayon ng mga residente ng Davao del Sur ang napaulat na ipinanganak ng 24-anyos na misis ang  bisiro (baby horse) noong Biyernes ng gabi.

Sa report, kinilala ang misis na nagsilang na si Janeth Cabisa Bilog ng Barangay Bukid sa bayan ng Jose Abad Santos, Davao Del Sur.

Bago ang insedente ay nagtungo pa si Bilog kasama ang mister na si Reggie sa kanilang kooperatiba para kunin ang pondo ng 4P’s nang biglang sumakit umano ang tiyan ng babae kaya kaagad na umuwi.

Noong araw ding iyon, kinagabihan ay nanganak si Janeth ng kakaibang hayop na sinasabing kabayo na may apat na paa, bunto’t, mabalahibo ang buong katawan at embilical cord. 

Makalipas ang ilang oras ay binawian ng buhay ang iniluwal na kabayo kung saan mismong ang mister nito ang naglibing sa nasabing hayop sa mismong bakuran ng kanilang bahay.

Batay sa report, una na umanong nirereklamo ng babae ang kanyang ibinuntis dahil sa kalimitang sumisipa at nangangati ang kanyang tiyan.

Nabatid na buhat sa Tribung Manobo ang mag-asawa kung saan marami umano ang duda sa ipinanganak ni Janeth dahil kalimitan sa nasabing tribu ay nag-aasawa kahit magkakamag-anak at minsan pa’y kahit magkakapatid kaya abnormal ang sinasabing iniluwal ni Janeth.

Show comments