SOUTH COTABATO, Philippines - Napipintong mawalan ng trabaho ang 1,000 manggagawa dahil sa pagpapatigil sa operasÂyon ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI) sa bayan ng Tampakan, South Cotabato sa Setyembre 2013. Ayon kay SMI External Communications and Media Relation Manager John Arnaldo na matitigil ang ilang operasyon ng minahan habang pinag-uusapan ang kinakaharap na pag-ban ng open mining sa South Cotabato at ang approval ng gobyerno para sa B’laan sa pamamagitan ng Free Prior Inform Consent (FPIC). Sinabi rin ni Arnaldo na mula sa kabuuang 1,160 na work forces ng kompanya, magiging 140 na lamang ang maiiwang manggagawa.