3 bulagta sa shootout

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na napatay sa naganap na shootout sa pagitan ng dalawang pulis at grupo ng kalalakihan sa Biñan City, Laguna kahapon ng hapon.

Kabilang sa napatay ay si Jun Asero habang patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang armadong lalaki na sinasa­bing bumaril kay Asero.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Pascual Muñoz, provincial director ng Laguna PNP, naganap ang barilan sa bahagi ng Barangay Canlalay bandang ala-1:20 ng hapon.

Nabatid na nakatayo sa nasabing lugar si Asero nang lapitan at pagbabarilin ng tatlong armadong lalaki.

Nagkataong namang nasa lugar sina PO3 Zapata ng NCRPO at PO1 Villar ng Biñan City PNP  kaya mabilis na rumesponde matapos marinig ang sunud-sunod ng putok ng baril ng tatlo laban sa biktima.

Hinabol ng dalawang pulis ang tatlong namaril sa biktima na nauwi sa barilan kung saan bumulagta ang dalawang gunmen.

Gayon pa man, nagawang makatakas ng isa pang kasamahan ng da­lawa kung saan sumakay ng motorsiklo.

Show comments