3 tiklo sa pekeng P50,000

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kalaboso ang tatlong kababaihan makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya kaugnay sa pagpapakalat ng pekeng P50,000 sa bayan ng Rosario, La Union kamakalawa.
 Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Mary Reyes, 25; Normina Salam, 31; at si Marivic Carreon, 29, pawang nakatira sa Quiapo, Manila.
 Ayon kay P/Chief Insp. Orly Pagaduan, hepe ng Rosario PNP, nadiskubre ang pagkakalat ng pekeng pera matapos ipagbigay-alam sa pulisya ng mga nagtitinda ng payong.
 Nasamsam sa tatlo ang P2,000 pekeng pera na may iba’t ibang demominasyon.  Sa follow-up operations, narekober din ang pekeng P50,000 na nakalatag sa tinutuluyang bahay ang mga suspek.

Show comments