P1-M limas sa piggery farm

BULACAN, Philippines – Aabot sa P1-milyong cash ang nalimas ng mga armadong kalalakihan makarang holdapin ang piggery farm sa Barangay Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon. Sa ulat ni PO3 Ernesto Ramos, nagpanggap na customer ang apat na kalalakihan para makapasok sa Lucky Farm Corp. na pag-aari ni Constantine Kwong.  Gayon pa man, nang makapasok ay nagdeklara ito ng holdap kung saan tinangay ang malaking halaga at ang ibat’ ibang  gamit ng mga kawani saka iginapos ang mga manggagawa. Hindi naman natunugan ng ilang security guard na nagbabantay sa labas ng piggery farm ay ang naganap na holdapan matapos sumakay ang apat sa SUV ng may-ari (PYQ958) kung saan pinalabas naman ng mga sekyu.

Show comments