Mag-amang katiwala, nilikida

NORTH COTABATO, Philippines - Pinabulagta ang mag-amang katiwala sa rubber plantation makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-kilalang lalaki sa Purok 3, Barangay Gaunan sa bayan ng M’lang, North Cotabato kahapon ng umaga. Nagtamo ng mga tama ng cal. 45 pistol pistol at M-16 Armalite rifle ang mag-amang Felix Mudalo, 57; at Kenneth Mudalo,14, kapwa nakatira sa Barangay San Vicente, bayan ng Makilala, North Cotabato.  Sa ulat ni P/Insp. Rolando Dillera, hepe ng M’lang PNP, may kumatok na dalawang di-kilalang lalaki sa tinutuluyang bahay ng mag-ama sa rubber plantation para ipagbigay-alam na may naganap na nakawan. Paglabas ng mag-ama ay pinagbabaril na sila ng mga armadong lalaki kung saan narinig pa ng asawa ni Felix ang sunud-sunod na putok ng abril.

Show comments