Anak ng negosyante, dinukot

MIDSAYAP, North Cotabato, Philippines - Dinukot ng apat na armadong kalalakihan ang 19-anyos na anak ng negosyante kamakalawa ng gabi sa bayan ng Midsayap, North Cotabato. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Mark Angelo Baya, estudyante ng Notre Dame sa  nabanggit na bayan at tubong Barangay Tumbras. Sa police report, dinala ang biktima sa liblib na Barangay sa Northern Kabuntalan, Maguindanao kung saan wala pa namang hinihinging ransom demand ang mga kidnaper. Samantala, narekober naman ang getaway car na inabandona sa gilid ng ilog sa Barangay Tumbras sa  nasabing bayan. Gayon pa man, patuloy ang search and rescue operation ng Midsayap PNP sa pamumuno ni P/Supt Reinante Delos Santos at 40th Infantry Battalion Philippine Army.

 

Show comments