MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng pulisya at militar ang dalawang lider ng mga rebeldeng New People’s Army sa isinagawang magkahiwalay na operasÂyon sa Bondoc Peninsula, Quezon. Kinilala ni Lt. Gen. Caesar Ronnie Ordoyo, commander ng AFP-Southern Luzon Command ang mga suspek na sina Juanito “Ka Jacko†dela Peña at Joel “Ka Reyman†Peros, 35, kapwa lider ng NPA sa nasaÂbing lugar. Unang naaresto si Ka Jacko sa San Francisco, Quezon sa bisa ng warrant of arrest sa kasong attempted murder na inisyu ng Gumaca Regional Trial Court Branch 62 sa Quezon. Sumunod namang nasakote ng 74th Infantry Battalion si Ka Reyman sa bayan ng San Andres, Quezon kamakalawa kung saan nahaharap ito sa kasong attempted murder. Base sa tala, si Ka Reyman ay sangkot sa panaÂnambang sa mga opisyal ng pulisya sa San Andres, Quezon noong 2010.