Driver pisak sa trak

CAVITE, Philippines - Pisak ang katawan at namatay ang 27-anyos na driver makaraang sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa nakaparadang trailer trak sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay  Biga 1, bayan ng Silang, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ryan Gonzales ng # 068 Barangay Iba sa nabanggit na bayan. Arestado naman ang driber ng trak na si Alexander Garcia, 48, ng bayan ng San Isidro, Nueva Ecija. Nabatid na nakaparada sa gilid ng highway ang trak (RLU866) ni Garcia nang salpukin ng motorsiklo ng biktima.

 

Show comments