Traffic enforcer tiklo sa kotong

CAVITE, Philippines – Kalaboso ang 43-anyos na traffic enforcer matapos arestuhin ng pulisya sa aktong pangongotong sa isang motorista sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Talaba 7, Bacoor City,

Cavite.Pormal na kinasuhan ang suspek na si Joel Gabrinao ng Bacoor Traffic Management Division at nakatira sa # 30 Sampaloc Street, Justinville Subd. sa Barangay Panapaan 7 sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni SPO1 Ronaldo Orozco, nabatid na kinuha ng suspek ang driver’s license ni Mark Lester Pineda ng Bagong Ilog, Pasig City matapos itong mag-counterflow sa nasabing lugar.

Upang maibalik ang lisensya ay huminggi ng P1,500 ang suspek sa biktima.

Nagpaalam naman ang biktima sa suspek para kumuha ng pera subalit dumiretso ito sa himpilan ng pulisya para magreklamo kung saan inilatag ang entrapment operation.

Show comments