^

Probinsiya

Army Major patay sa sariling baril

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang aksidenteng nabaril ang sarili ng Army Major habang nililinis nito ang kanyang baril sa loob ng quarter nito  sa 7th Infantry Division sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Army Spokesman Col. Randolph Cabangbang ang biktima na si Major Eddie Valdes, executive officer ng 2nd Special Forces Battalion sa Officers headquarters ng Special Forces Regiment Airborne.

Bandang alas-9 ng gabi nang matagpuan ng kaniyang roommate na si Captain Jomel David ang biktima   na nag-iisa sa kaniyang silid.

Sa inisyal na imbestigasyon, bago ang insidente ay nakarinig ng malakas na putok ng baril si David mula sa kanilang kuwarto at nang tingnan niya ito ay nakita ang duguang si Valdes na nagtamo ng tama ng bala ng cal. 45 pistol sa kaniyang dibdib.

Natagpuan din sa tabi ng bangkay ng biktima ang cal. 45 pistol nito.

Sinabi ni Cabangbang na mabait at matapang na opisyal si Valdes na dating natalaga sa Civil Military Ope­rations sa Basilan na pinamumugaran ng mga bandidong Abu Sayyaf Group.

 â€œThere’s no foul play, it’s not suicide, it’s definitely an accidental firing,” ayon pa sa opisyal.

 

ABU SAYYAF GROUP

ARMY MAJOR

ARMY SPOKESMAN COL

CAPTAIN JOMEL DAVID

CIVIL MILITARY OPE

FORT MAGSAYSAY

INFANTRY DIVISION

MAJOR EDDIE VALDES

NUEVA ECIJA

PALAYAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with