Konsehala ni-rape ng bagitong konsehal
BATANGAS, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa konseho ang bagitong Lipa City councilor na sinasabing nanghalay ng 20-anyos na lady councilor ng bayan ng San Pascual, Batangas noong Biyernes ng Hunyo 23, 2013.
Matapos ang isang buwang pananahimik, tuluyan nang nagsampa ng kasong rape ang 20-anyos na konsehala ng bayan ng San Pascual laban sa bagong halal na konsehal ng Lipa City, Batangas.
Sa 8-pahinang complaint affidavit (IS # XV-03-INV-13G-01925), na inihain nina Atty. Gally Angeles at Atty. Rolito Abing, mga abogado ng biktima, inakusahan ni Councilor Mara Fernandez si Councilor Nonato “Patmon†Monfero na umano’y nanghalay sa kanya noong Biyernes ng Hunyo 28 sa bahay ng kapwa konsehal sa XavierVille, Quezon City.
Lumilitaw na sina FerÂnandez at Monfero ay dumalo noon ng seminar sa University of the Philippines-NCPAG (National College of Public Administration and Governance) nang magkayayaang makitulog sa naturang lugar.
Ayon sa salaysay ni FerÂnandez, “ June 28, 2013, Biyernes, habang tulog ako sa guestroom, nagising na lang ako na may lalaki sa loob ng comforter ko at nakataas na ang t-shirt ko. Naramdaman ko ang mabigat at hubad niyang katawan na nakapatong sa akin. Nakilala ko ang nasabing lalaki na si Konsehal Nonato Monferoâ€
Isinalaysay din ni FerÂnandez na inalok umano siya ni Monfero ng bahay at kotse at sinabing iiwan ang kanyang asawa basta pumayag lamang ang dalaga sa nasabing alok.
Sinikap naman ng PSNgayon na kunan ng pahayag si Councilor Monfero pero hindi nito sinasagot ang mga tawag sa telepono.
Humingi pa ng tulong ang reporter na ito sa kilalang mga pulitiko at kaibigan ng suspek para makunan ng kanyang panig pero nabigo rin.
Naging mainit ding usap-usapan ang pangyayari sa buong lungsod pero wala pang makapagbigay ng mga detalye hangga’t hindi pa pormal na naiihain ang reklamo sa korte.
Iintayin na lang ng kampo ni Fernandez ang schedule ng preliminary investigation kaugnay sa nasabing kaso.
- Latest