Ex-US Navy tiklo sa arm cache

CAVITE, Philippines – Kalaboso ang 40-anyos na retiradong US Navy makaraang makumpiskahan ng iba’t ibang uri ng armas sa isinagawang operasyon  ng pulisya sa bahagi ng Country Homes sa Silang Crossing East, Tagaytay City, Cavite kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ang suspect na si Frank Edward Luccirini Jr., tubong Texas,  USA at nakatira sa nasabing lugar. Isinagawa ang operasyon base sa search warrant na inisyu ni Judge Cynthia Marino Ricablanca ng Sta. Cruz Regional Trial Court Branch 25, Laguna. Narekober sa bahay ng suspek  ng bahay ang iba’t ibang uri ng armas kabilang ang dalawang airsoft gun, mga bala, night vision apparatus at combat jacket.

Show comments