Bata, sinagip ng guardian angel

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang taong gulang na batang lalaki na sinasabing sinagip ng guardian angel matapos pumailalim sa pampasaherong jeepney sa kahabaan ng kalsada sa Barangay 6 sa Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa.

Batay sa ulat, binabantayan ng lolo na si Elmer Obaldo ang kanyang Apong si Lumberg Obaldo nang hindi namalayan na umalis na pala sa kanyang tabi ang bata kung saan namataan na lamang na nasa gitna ng kalsada.

Dahil sa nag-aaral pa lamang na maglakad ang bata ay bigla itong nadapa kung saan eksakto naman na dumaan ang rumaragasang na pampasaherong jeepney.

Gayon pa man, halos natulala at natigil sa paghinga ang lahat ng nakasaksi kung saan napasigaw nang makita ang ang bata na nasa ilalim ng jeepney.

Subalit nagulat at pasasalamat ng lahat nang makitang hindi tinamaan ng gulong o anumang parte ng jeepney  ang bata na nasa ilalim ng sasakyan.

Agad itong dinala sa ospital para suriin kung saan walang nakita na kahit anumang galos at pinsala sa katawan ng bata.

Karamihan sa mga residente na naniniwala na ang pagkadapa ng bata ay ginawa ng guardian angel upang iligtas ito sa tiyak na kamatayan.

Show comments