Misis inutas ng lover
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napatay ang 33-anyos na misis makaraang ratratin ng kanyang lover dahil sa matinding selos kamakalawa ng gabi sa Barangay Villa Inocencio, bayan ng Placer, Masbate. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Babylyn Cablin habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa paÂngalang Ronald. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na namataan ng suspek na may kausap na lalaki ang biktima na humantong sa mainitang pagtatalo. Matapos ang pakikipagtalo ay pinagbabaril na lamang ng suspek ang kanyang ka-live-in. Nabatid na nasa ibang bansa ang mister ng biktima kung saan nakisama ito sa suspek kasama ang anak na 12-anyos.
- Latest