Misis inutas sa harap ng anak

CAMARINES NORTE, Philippines â€“ Binurdahan ng saksak hanggang sa mapatay sa harapan ng kaniyang 1 anyos na anak ang isang misis ng salarin na pumasok sa tahanan nito  habang mahimbing na natutulog ang biktima sa kanilang bahay sa Malilipot, Albay, kamakalawa ng madaling araw.

 Sa ulat ng pulisya, bandang alas-3 ng madaling araw ng biglang pasukin ng suspek na kinilalang si Joey Bobier, umano’y lover ng hipag ng biktimang si Beverly Villaluz, 27 anyos at walang sabi-sabing inun­dayan ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan sa harap ng kaniyang paslit na anak.

 Nagawa pang makalabas ng kuwarto ang biktima at duguang nakalapit sa kanyang ina  subalit  binawian rin ng buhay. 

Halos magwala naman sa galit ang kapatid ng biktima na si Laarni sa kanyang hipag na si Catherine dahil sa pag-aalaga umano ng “ahas” sa loob ng kanilang pamamahay. 

Ayon sa imbestigador na si SPO3 Dennis Biron, mabilis na nakatakas ang suspek sakay ng isang di naplakahang motorsiklo. Nakuha sa di kalayuan ng bahay ang isang  kutsilyo na ginamit sa krimen.

 

Show comments