Gang leader na pumatay sa 2 pulis, tiklo

BATANGAS, Philippines - Kalaboso ang 24-anyos na gang leader na sinasabing responsable sa pagpatay ng 2 pulis sa isinagawang­ ope­rasyon ng mga operatiba ng pulisya sa Ta­nauan City, Batangas kamakalawa ng hapon

Kinilala ni Batangas PNP director P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel ang suspek na si Renato “Junior” Gregorio Jr., lider ng Gregorio robbery, drugs and gun-for-hire group na nag-ooperate sa Batangas at Metro Manila.

Arestado rin sina Luis Magpantay at Ferdinand Ramos matapos maaktuhan sa pot session nang isagawa ang PNP operasyon.

Ayon sa police report, sinalakay ng Intelligence group sa pamumuno ni P/Supt. Cristopher Birung ang hideout ni Gregorio sa Maligaya Compound, Barangay 7, Tanauan City.

Sa bisa ng  warrant of arrest na inilabas ni Judge Louis Acosta ng Calamba City Regional Trial Court Branch 36, Laguna ay nadakma ang tatlo.

Si Gregorio ay itinuturong responsable sa pagpatay kina PO2 Rufino Mendoza sa Calamba City, Laguna  noong Feb, 16, 2013 at kay SPO4 Wilfred Luna sa Tanauan City, Batangas noong Abril 16, 2013.

Show comments