Ex-brgy. chairman pinabulagta

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Umiinit ang labanan sa nalalapit na SK at barangay elections kung saan napaslang ang isa na namang dating barangay chairman na muling kakandidato matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa Baragay Buena Suerte, Cauayan City, Isabela noong Martes na gabi.
 Base sa police report, napuruhan sa ulo ang biktimang si Prospero Tolentino, 57, ng Barangay Sta. Luciana sa nasabing lungsod.
 Nakaligtas naman ang kasama ni Tolentino na si Bernabe Corpuz matapos tumalon mula sa pagkakaupo sa motorsiklo na minamaneho ng biktima. Sa ulat ng pulisya, nagmomotorsiklo ang biktimang kaangkas ang kaibigang si Corpuz nang dikitan at ratratin ng dalawang di-kilalang lalaki na lulan din ng motorsiklo.

Show comments