1 dedo, 21 sugatan sa road mishap

MANILA, Philippines - Namatay ang isang driver habang 21 iba pa ang nasugatan makaraang magbanggaan ang delivery truck at pampasaherong bus sa Maharlika Highway sa Barangay Malinao, Ilaya sa  bayan ng Atimonan, Quezon kahapon ng umaga. Kasalukuyan namang inaalam ang pangalan ng driver ng CUL Transport Bus (HVP 754) habang isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatan kung saan tatlo sa mga ito ay nasa kritikal na kalagayan. Base sa imbestigasyon, bumabagtas sa pakurbadang highway ang Fuso Mitsubishi truck (RJT 746) ni Marcelino Martin na puno ng kargang gulay nang makabanggaan nito ang pampasaherong bus. Sa lakas ng pagkakabangga ay naipit ang driver ng bus na agad namatay habang isinugod sa pagamutan ang mga sugatang biktima.

Show comments