7-anyos pisak sa trak

MANILA, Philippines - Halos napisak ang katawan ng 7-anyos na Grade 1 pupil matapos mabundol  at makaladkad ng dump truck sa kahabaan ng Baguio-Itogon Road sa Barangay Ucab, bayan ng Itogon, Benguet kamakalawa ng hapon. Idineklarang patay sa Baguio Medical Center  ang biktimang si Matt Lander Wangit ng Minerside sa nasabing barangay. Lumilitaw na biglang nagtatakbo ang biktima para tumawid kaya nasalpok ng mini dump truck (RBN 881) na minamaneho ni Roldan Fronda, 21, minero, ng Loacan, Benguet. Nakaladkad pa ng ilang metro ang biktima bago tuluyang namatay.

Show comments