Negosyanteng Bumbay, itinumba

BULACAN, Philippines – Pinabulagta ang 36-anyos na negosyanteng Bumbay matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng highway sa Barangay Malhacan, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga. Namatay habang ginagamot sa ospital si Gurjant Singh ng Metrogate Complex sa Barangay Pandayan habang tinamaan naman ng ligaw na bala sa kaliwang hita ang sibilyang si Jose Cipriano, 60. Sa ulat ni SPO1 Michael Sarangaya, nagmomotorsiklo ang biktima nang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins pagsapit sa bahagi ng nabanggit na barangay.

 

Show comments