Holdaper tiklo sa toy gun

CAVITE , Philippines   â€“ Kalaboso ang 33-anyos na lalaki matapos arestuhin ng pulisya sa kasong panghoholdap sa remittance center gamit ang toy gun kahapon ng umaga sa Barangay Tejero, bayan ng General Trias, Cavite. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Rex Subang ng #75 Barangay Pag Asa 1,  Imus City, Cavite. Sa ulat ni P03 Brendo Tamayo, pinasok at hinoldap ng suspek ang sangay ng LBC Express remittance center bago tumakas tangay ang malaking halaga. Nakahingi naman ng tulong sa pulisya ang isang kawani ng nasabing kompanya na si Jacqueline Dela Cruz kaya naaresto ang suspek na gumamit ng toy gun sa panghohodap.

Show comments