BULACAN, Philippines – Isa ang nasawi habang apat pa ang naÂsugatan matapos na aksidenteng suwagin ng isang military truck ang pampasaherong tricycle sa kahabaan ng bypass road sa bahagi ng Brgy. Cutcot, Guiguinto, Bulacan kahapon ng madaling araw.
Kaagad na nasawi sa pinangyarihan ng insiÂdente ang biktimang si RiÂchard Vendevil 36, driver ng tricycle habang kaagad ding isinugod sa Guiguinto District Hospital ang mga sugatang sina Maricris Visconde, 25; Cpl. Ramil PlaÂsedes 37, driver, Pvt. Uluveo Espijo, 25 at Pvt. Benito Quitoras 29, pawang mga nakatalaga sa First Scout Ranger Regiment na nakabase sa Brgy. Tartaro,San Miguel, Bulacan.
Base sa imbestigasyon ni SPO1 Ariel Modelo dakong alas 3:30 ng madaÂling araw ay kasalukuyang binabaybay ng limang convoy ng military truck ang kahabaan ng bypass road kabilang ang ten wheeler truck (SKF-932) na minamaneho ni Cpl. Plasedes patungo sa Maynila upang idagdag sa puwersa na mangangalaga sa nakatakdang SONA ni PNOY ng makabanggaan ang tricycle na RUSI 125 (5197-CA) lulan ang pasaherong si Vizconde.
Agad namang nakipag-ugnayan ang pamunuan ng AFP sa mga kaanak ng biktima upang akuin ang responsibilidad habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na insidente. Boy Cruz