Misis pinatay sa barangay hall

CAVITE, Philippines - Bulagta ang 38-anyos na misis matapos mapagtripang barilin ng di-kilalang lalaki na sinasabing lango sa bawal na droga sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Caridad, Cavite City, Cavite kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Maribel “Ebey” Cristobal ng Felipe Blvd sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO3 Rodel Buitizon, nakatayo ang biktima sa tapat ng barangay hall nang lapitan at barilin sa ulo ng maskaradong lalaki.

Show comments