Barangay chairman pinabulagta

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang 47-anyos na barangay chairman makaraang ratratin ng mga hindi pa kilalang gunmen sa liblib na bahagi ng Barangay Pasingan sa bayan ng Rizal, Cagayan kamakalawa.
 Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Ariel Simon, nagpapalamig ang biktimang si Chairman Edwin Gannaban sa bakuran ng kaniyang bahay matapos makipag-inuman sa ilang kaibigan nang lapitan at pagbabarilin. Naisugod pa sa St. Paul Hospital subalit namatay din habang ginagamot. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng cal. 9mm pistol, shotgun, M16 Armalite rifle at M14 rifle habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments