3 arestado sa P.3-M shabu

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlong tulak ng droga matapos maaresto sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Pagala, bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Jonnalyn Del Rosario, 27; Anthony Santos Jr., 28; at ang utol na si Lorielyn Santos, 31, habang nakatakas naman ang isa pang suspek na si Lourdes Santos matapos matunugan ang presensya ng mga operatiba ng pulisya. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Julius Cesar Domingo, may ilang linggong isinailalim sa surveillance ang mga suspek bago nasakote sa buy-bust operation. Nasamsam sa mga suspek ang 58 plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P.3 milyon, at mark money na ginamit ng pulisya sa operasyon.

Show comments