Magtiyuhin todas sa kuryente

MANILA, Philippines - Napaaga ang kamatayan ng magti­yuhin makaraang makuryente habang nagtatanim ng mani sa kanilang bukirin sa Barangay Binuangan, bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-7:15 ng umaga ay kapwa nagtatanim ng mani ang magtiyuhin nang mapahawak sa talop na linya ng kuryente ang matandang si Dodong Agdang.

Dito nagkikisay si Dodong kung saan tinangkang saklolohan ng kanyang  pama­ng­­king si Candido Agsang subalit nakuryente rin ito.

Naisugod pa sa ospital ang magtiyuhin subalit namatay din habang ginagamot habang pinag-aaralan naman ng mga awtoridad kung may pananagutan ang Zamboanga del Norte Electric Company sa pagkamatay ng magtiyuhin kung saan nakuryente sa nakalaylay na talop ng linya.

Show comments