2 rebelde tumba sa encounter

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Bulagta ang dalawa sa sampung armadong New People’s Army makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Barangay Badbad sa bayan ng Oas, Albay kahapon ng umaga. Sa ulat na nakarating kay Major Narsan Obuyes, deputy commander ng 2nd Infantry Battalion sa Barangay Tula-Tula, sumiklab ang bakbakan laban sa grupo ng  La­rangan 78 ng NPA matapos mangolekta ng revolutonary tax sa mga residente. Tumagal ng 10-minuto ang bakbakan bago napatay ang dalawang NPA na sina Ka Dennis at Ka Peter. Nagsiatras naman ang mga rebelde at inabandona ang dalawang napatay na kanilang kasamahan. Narekober sa encounter site ang dalawang M-16 Armalite rifle, mga bala at ilang personal na gamit.

Show comments