DARAGA, Albay, Philippines — Nabahiran ng trahedya ang isinasagawang prusisyon ng mga deboto matapos na aksidenteng salpukin ito ng humahagibis na motorsiklo na ikinasugat ng pito katao sa kahabaan ng Maharlika highway sa Brgy. Villahermosa sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Ang mga biktima na kaagad naman na isinugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ay sina Teresita Asaytuno, Angelica Imperial, Henidina Lanosa, Celeste, Luz Gavina at Antonio Bahilllo, pawang mga residente ng naturang lugar.
Samantala ang driver naman ng motrosiklo na isinugod din sa naturang pagaÂmutan ay kinilalang si Adrian Mejino, nasa hustong gulang at residente ng Barangay CaloÂngay, Pilar, Sorsogon. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi nang masalpok ang mga biktima ng motorsiklong minamaneho ni Mejino na may plakang 1546-EK na patungong Sorsogon na masÂyadong mabilis ang takbo. Patuloy ang imbestiÂgasyon sa kasong ito.