Rape suspect, nagbigti

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dahil sa pagkabagabag ng konsiyensya sa panghahalay sa 7-anyos na nene, nagdesisyon ang 25-anyos na lalaki na kusang magpasalubong kay kamatayan matapos itong magbigti sa loob ng selda sa himpilan ng pulisya sa bayan ng San Mariano, Isabela kamakalawa.
 Sinikap ng mga guwardiya na isugod sa San Mariano District Hospital subalit idineklarang patay si Bonifacio Dumlao Jr., obrero at nakatira sa Barangay Minanga sa bayang nabanggit.
 Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Sotero Ramos, inaresto si Dumlao matapos ireklamo ng mga magulang ng bata sa kasong rape. Pinaniniwalaang nakonsiyensya si Dumlao sa nagawang krimen laban sa batang babae.

 

Show comments