5-anyos todas sa sunog

CAVITE, Philippines – Tinuluyan ni kamatayan ang 5-anyos na lalaki matapos itong makulong sa nasusunog na bahay Barangay Salinas 1, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni P02 Michael Legaspi, natutulog ang biktimang si Kleian Aimer Daelo ng sumiklab ang sunog na nagmula ang apoy sa nag-init na electric stove. Bukod sa bahay ng pamilya Daelo ay nadamay na nasunog ang siyam na kabahayan kung saan umabot sa dalawang oras bago pa maapula ang apoy. Bandang alas-7:15 ng gabi nang naapula ang apoy kung saan aabot sa P.5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo.

Show comments