300 kawani mawawalan ng trabaho
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Tinatayang aabot sa 300 kawani ng kapitolyo sa ilalim ng nakalipas na administration ang nakaambang mawawalan ng trabaho matapos magpalabas ng executive order ang bagong halal na gobernador na i- revoke ang mga appointment ng mga ito.
Sa ipinalabas na exeÂcutive order ni Gov. Ruth Padilla, nakasaad ang pag-recall sa lahat ng mga appointment na ginawa ni dating Governor Luisa Cuaresma.
Sinasabi na lahat ng mga nahirang bilang permanent o na-promote sa trabaho mula 2007 maging ang mga bagong appointed bago ang May 13 mid-term eleksiyon ay apektado.
“The appointments and promotions of some employees were made in the absence of a Personnel Selection Board which should have been created in accordance with law,†nakasaad sa kautusan ni Gov. Padilla.
Subalit sa panig ng daÂting provincial legal counsel ng nakalipas na administration na si Atty Leslie Costales ang appointments ng mga apektadong provincial government employees ay dumaan sa tamang proÂseso.
“Their appointments, were approved by the Civil Service Commission after the provincial government complied with all the neÂcessary requirements and processes, However, we will give the new administration the benefit of the doubt that they are also complying with the process,†pahayag ni Costales.
Hindi naman makontak ang chief of staff ni Gov. Padilla at maging ang nasabing gobernador para makapagbigay ng kanilang panig.
- Latest