CAVITE, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na napaslang sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa lalawigan ng Cavite kamakalawa. Halos humiwalay ang ulo matapos tagain at mapatay si Joselito Galleposo, 39, ng Francis Subd. sa Barangay Alingaro, General Trias, Cavite. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Vicente “Enteng†Basco. Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima sa kaibigan nang lapitan at pagtatagain ng suspek. Samantala, si Nino Bunayog na naglalakad papasok sa trabaho kasama ang kaibigan nang harangin at ratratin ng tatlong ’di-kilalang lalaki sa bahagi ng Viva Homes Subd. sa Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng umaga.