SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Dahil sa umiinit na tensyon sa bayan ng Marcos Ilocos, Norte sa pagkakaroon ng dalawang alkalde ay nagpalabas ng kautusan ang Department of Interior and Local GoÂvernment (DILG) na bawal ang magsalita o magbigay ng anumang mensahe ang kahit isa sa kanila sa isinagawang flag-raising ceremony kahapon ng umaga.
Ang kautusan ay ipinalabas habang hinihintay ang desisyon ng DILG central office at ang Commission on Elections (CoÂmelec) kung sino talaga kina Mayor Arsenio Agustin o Mayor Salvador Pillos ang karapat-dapat na manungkulan matapos ang 2013 eleksiyon.
“The two mayors were allowed to attend the flag raising ceremony yesterday morning (8 July) but not allowed to speak in front of the municipal employees,†pahayag ni P/Supt. Jeffrey Gorospe, tagapagsalita ng Ilocos Norte provincial police office.
Si Pillos na dating mayor ay natalo ni Agustin noong nakalipas na eleksyon subalit iginiit ng una na siya pa rin ang lehitimong alkalde matapos i-nullfied ng poll body ang Certificate of Candidacy ni Agustin dahil sa isyung dual citizenship.
Iginiit naman ni Agustin na siya ang dapat na manungkulan matapos iproklama ng municipal Board of Canvassers bilang panalo sa nakalipas na halalan.
Ngayong ikalawang linggo ng panunungkulan ng dalawang mayor sa iisang bayan ay mas lalong nalilito ang taumbayan maging ang mga kawani kung sino talaga ang kanilang pinuno. Victor Martin