BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng mag-asawa makaraang arestuhin ng pulisya habang sumisinghot ng shabu sa kanilang bahay sa Barangay Sta. Rita, bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mag-asawang Romeo Sarmiento, 42; at Geraldine Sarmiento, 33, kapwa nakatira sa Masagana Subdivision sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Rodolfo HerÂnandez, naaktuhan ang mag-asawa sa pot session matapos itimbre ng ilang kapitbahay sa pulisya na may nagaganap na hithitan ng droga.