2 pulis pinabulagta

MANILA, Philippines - Dalawang pulis ang pinabulagta matapos ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa naganap na magkakahiwalay na karahasan sa Zamboanga City kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Supt Edwin de Ocampo ang dalawa na sina PO1 Hudang Insan, 35, ng Isabela City PNP, Basilan at SPO1 Jaafar Jambiran ng Zamboanga City PNP. Sa imbestigasyon, si PO1 Insang ay nagmomotorsiklo sa bisinidad Nuñez Street, Zamboanga City sa harapan ng  Atlantic Hardware nang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen. Sa testimonya ng misis, si PO1 Insang ay nakatanggap ng mga pagbabanta bago pa maganap ang pamamaslang. Samantala, si SPO1 Jambiran ay niratrat na nakatayo sa bisinidad ng Brgy. Lower Calarian, Zamboanga City nang lapitan at ratratin. Nagawa pang maisugod sa Ciudad Medical Center pero idineklarang patay si SPO1 Jambiran.

 

Show comments